Ang pag-ibig
ay masasabing panlahatang paksa, na kung saan ay paborito ng bawat manunulat, lalake man o babae at lahat ng taong may iba’t-ibang
gulang. Tila ito ang pinakamadali ngunit gayon may masasabing mas kawili-wili sa lahat ng paksa na maaaring pumasok sa ating
isipan.
Ano nga ba
ang meron sa pag-ibig? marami ang binibigay na pakahulugan ng lahat dito. Para sa iba ang pag-ibig ang pinakamagandang madarama
ng isang tao. Ito din ang nagiging dahilan ng pag-ikot ng mundo ng bawat isa. Ang pag-ibig ay nagiging sanhi ng kahangalan
ng matatalino at madudunong at ng iba pang hangal at marami pang iba.
May iba’t-ibang
uri ng pag-ibig- - pag-ibig sa Diyos, pag-ibig sa magulang, pag-ibig ng mga anak sa magulang, pag-ibig para sa isang espesyal
na tao, pag-ibig sa kaibigan at pag-ibig sa mga kapatid at kasambahay. Maging ang Panginoon ay nagsasabi na “Mahalin
mo ang iyong kaaway”- - at ito ang pinakamagandang uri ng pag-ibig,pero talagang pinakadakilang pag-ibig ay ang pag-ibig
sa para sa sangkatauhan. May iba pang uri ng pag-ibig kabilang ang pag-ibig sa bayan, propesyon, tahanan, alagang hayop o
halaman at iba pang pag-aari natin. kahit alinman sa mga uri ng pag-ibig na ito ay mabitu at moral. Ito ay nagdadagdag ng
kahulugan sa ating buhay.
Ngunit ang
pag-ibig ay hindi palaging nagdudulot ng mabuti. May pag-ibig na nakakasugat ng puso at nakakapatay. Ang kapalaluan ang pinakamasamang
uri ng pag-ibig. Kung ang tao ay nagsimulang magbigay ng kanyang buong atensyon, pag-aalala at paghanga para sa kanyang sarili,
nagsisimulang mawala ang kanyang kapasidad na mag-isip ng ibang bagay na makabubuti para sa kapwa niya at sa ibang tao. Maaari
syang maging mapag-imbot, sakim at mapanira. Siya ang nagsisimulang sundan ang yapak ni Hudas na ipinagkanulo maging ang isang
taong malapit sa kanyang puso.